23 Mar
23Mar

 

Sa aking mga mag-aaral,

Mabibilang lang ang mga buwan na ating ipinagsama bilang isang pangkat. Hindi natin nasimulan ang taong nagdaan na karaniwang dapat masimulang talaga sa umpisa. Unang beses sa aking pagtuturo na humawak na ang bumubuo sa klase ay pawang mga babae lamang o di kaya naman ay lalaki. Kakapain mo, pakikiramdaman, titimbangin, aalamin, at oobserbahan. Malaking kaibahan sa kinagisnan kong mga taon. Subalit, kakaiba ring karanasan na makasama ang dalawampu't pitong mag-aaral. Ang bawat isa sa kanila ay may pambihirang katangian. Kahanga-hanga! Mararamdaman mo sa kanila ang pagiging totoo. Tipikal na mga karanasan ng isang dalaga o mag-aaral ng hayskul ang kanilang mga pinagdaraanan. Alam nila ang kanilang limitasyon. Marunong himingi ng tawad kung nagkakamali. Marunong kung kailan maglalambing. Alam kung paano makikiusap. Nakikinig at higit sa lahat mapagmahal. Iba't ibang kultura, lugar at pananaw man ang ating kinagisnan o kinalakhan, naniniwala akong mas makikilala natin ang isa't isa sa mga natitira pang mga buwan. Salamat sa pagpaparamdam sa akin ng inyong pagmamahal. May nalalabi pa tayong mga buwan upang bumuo ng mga alaalang hindi malilimutan.

Mga Komento
* Ang email ay hindi nai-publish sa website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING