12 Feb
12Feb

Pasan namin ang napakaraming responsibilidad bilang inyong mga guro. Pinagsumikapan naming magampanan ang aming sinumpaang tungkulin bilang tagapaghubog ng mga tulad n'yong kabataan. Ang bawat oras at mga araw na magkakasabay nating nilakbay ay sumapit na nga sa paghihiwalay. Bibihirang makatagpo kaming mga guro ng mga mag-aaral na labis ang ibinibigay na respeto at pagpapahalaga sa kani-kanilang guro. Pinatunayan ninyong matatag ang klase ng mga Humanista sa pag-oorganisa ng mga gawaing tunay na magpapaluha, magpapatawa at magpaparamdam sa aming kami ay espesyal. Baunin ninyo sa inyong mga lakbayin ang aming taos pusong pasasalamat at dalangin sa ikatatagumpay ninyo. Ang inyong mararating ay para na rin naming narating, ang inyong magiging pagluha ay lubos naming ipagdaramdam at ang inyong pagpupunyagi sa buhay ay tunay naming karangalan. Ngayon man ang huli nating naging pagsasama-sama ay narito na sa mga puso namin ang natatanging alaala ng mga Humanista. Walang makapagbubura sapagkat tunay kayong naging kakaiba!

Mga Komento
* Ang email ay hindi nai-publish sa website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING