"Nag-iisang Ginang"
ni: Christopher D.J. Sante
Isa ang tingin, isa ang turing
Guro sa paaralan, ina sa marami
Mga panahong siya'y nakapiling
Lumipas ngunit sa puso'y nananatili
'Di ko makalilimutan
Ang kaniyang pagkakakilanlan
Binansagang "Paboritong Ginang"
Mahal ng lahat at iginagalang
Tumatak ang kaniyang mga kuwento at payo
Binubuhos niya ang buong puso sa pagtuturo
Napupuno ng saya ang bawat saglit at segundo
Sana'y wala nalang katapusan hanggang sa dulo
Higit pa sa mga naituro niya ang mga 'di malilimutang alaala
Salamat sa pagiging iyong anak
Salamat po ng maraming beses
Sa nag-iisang Ginang Morales!